Wednesday, January 7, 2009

BUTAS (LOOPHOLE)


BUTAS ( LOOPHOLE )

After “Haw-Ang (Harvest)” na naging best feature film sa Accolade Film Festival sa California at nanalong best cinematography (Paul Vincent Pangan) sa nasabing festival abroad, na graded “B” ng Cinema Evaluation Board( CEB) at nagbigay ng best screenplay & direction nomination sa 2007 Enpress at Luna Awards kay Direk Alejandro “Bong” Ramos comes “Butas (Loophole)” isang matapang na “sex-film” ang pangalawang pelikula ng promising director na tatalakay sa “emotional journey” ng isang “weakling husband” (Dizon) na may asawang nagtataksil (Garci). Tungkol din ang pelikula sa mailap na katotohanan sa isang “crime of Passion”.

Ang “Butas(Loophole)” ay pinagbibidahan ng award-winning hunk actor na si Allen Dizon na bagama’t hindi naghubad sa pelikulang ito ay nagpakitang gilas ng kahusayan sa pagganap. Bida-kontrabida dito ang new stud na si Marco Morales bilang pulis na dating bold starlet na nambibiktima ng mga babaing nakaka-relasyon niya. Sa director’s cut ng pelikula, 12x nag-frontal ang hunk actor na ipinakilala sa “Walang Kawala” ni Direk Joel Lamangan. May special role ang star ng “Serbis” (2007 Cannes Film Festival entry) at “Playboy” magazine cover girl of December na si Mercedes Cabral bilang simpleng asawa ni Marco Morales.At siyempre lead actress ang former Viva Hotbabe na si Gwen garci, na mahusay na nagampanan ang papel ng isang “unfaithful wife” na nakikipagkalas na sa kanyang kalaguyo.

Ayon sa mga nakapanood ng rough cut ay napakatapang ng pelikula sa hubaran, sangkatutak ang frontal nudity provided by Marco Morales,Gwen Garci and stud Froilan Moreno, although well done, brilliantly acted at napakaganda ng photography. May nagsabi na “soft porn” ang pelikula pero dinipensa ng director na sagad sa hubaran ang pelikula pero kailangan siya sa takbo ng kuwento.

May special screening sa UP Film Center ang “Butas (Loophole)” sa January 12 (Monday) ng 7:30pm. Kung makakapasa ang mapangahas na mga eksena sa MTRCB ay ipapalabas in selected theaters sa January 15 (Thursday).

BUOD :

May madugong krimen na naganap. Pinatay ang pulis na si Virgo (Marco Morales). Umamin sa pagpatay si Jake (Allen Dizon). Pinatay daw niya ang kalaguyo ng kanyang asawa na si Maya (Gwen Garci). Dalawang bersyon ng katotohanan ang lumalalabas…

Sa unang bersyon ni Jake- Plinano niya raw ang pagpatay kay Virgo. Sinundan niya ang asawa at ang kabit nito sa dilapidated ruins na tagpuan ng magkalaguyo.Nagtago siya sa kisame at duon niya nasaksihan ang pagtataksil ng kanyang asawa. Hindi niya natagalan ang nakita. Hindi niya kayang patayin ang dalawa lalo na ng malaman niya na buntis ang asawa at siya ang ama. Paalis na siya sa lugar na ‘yon ng makita niyang tumatakbo at humahagulgol ang asawa niya.Nagdilim ang paningin ni Jake saka niya pinagbabaril si Virgo.

Ang pangalawang bersyon na pinakita ng abogado ni Jake sa “laptop” ay ang bersyon ng videographer. Nabisto ni Maya na “on the act” ng kanilang pagtatalik ay kinukunan sila ng isang “videographer” na kasabwat ni Virgo kaya siya nagwala-wala. Mari-reveal na gawain ni Virgo na magpa-ibig ng mga babae at kunan ng video ang kanilang “sexual act” saka nito ibebenta ang “scandal” para pagkakitaan.May malubhang sakit ang anak ni Virgo kaya niya nakasanayan gawin ang pananamantala sa mga nabibiktimang kabit.

Tumakas ang videographer, naiwan ang ebidensya na hindi tumutugma sa bersyon ni Jake. Mas graphic ang detalyado ang pagtatalik nina Virgo at Maya sa bersyon ng videographer,mas wild at malandi si Maya rito. Sa bersyon ni Jake,” tamed” ang pagtatalik ng dalawa, hindi rin “wild” at ganun kainit si Maya. Kung pinagtatakpan ni Jake ang totoong Maya, si Jake lang ang makakapagsabi.

Although hindi nakunan ng videographer ang totoong nangyari sa krimen—tanging sina Jake at Maya lamang ang nakakaalam ng katotohanan. Ipapakita sa huling eksena ng pelikula ang tunay na nangyari sa krimen. Makakalaya kaya si Jake? Anung mangyayari kay Maya? Mabubuo pa ba ang kanilang pamilya lalo na ngayon ipinagbubuntis ni Maya ang anak ni Jake?

FILMOGRAPHY

Producer : Leo Films

Cast : Allen Dizon, Marco Morales,Mercedes Cabral & Gwen Garci

Story & Concept: Bong Ramos

Screenplay : Bong Ramos & Bien Ojeda

Director of Photography: Paul Vincent Pangan

Music: Dodoy Ongleo

Editor: Onay Sales

Production Designer: Leo P. Cantalejo

Assistant Director: Venjie Pellena

Associate Producer: Melon “Byuti” P. Antonio

Line Producer & Supervising Producer: Dennis C. Evangelista

Producer: Cesar Aquino

Executive Producer: Shaleena C. Dy

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP